WELCOME TO SFPS ALUMNI FORUM

St Francis Parochial School Alumni Association-Talisay, Camarines Norte
 
HomeCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 mga obserbasyon isip ni Bob Ong

Go down 
AuthorMessage
may defeo

avatar

Number of posts : 10
Age : 39
Location : Manila
Registration date : 2009-02-20

PostSubject: mga obserbasyon isip ni Bob Ong   Sun Feb 22, 2009 8:46 am

PAG-IBIG

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para
sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh
meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya,
naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal
ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na
sila makakatulog kahit gusto nila?

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa
mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan
para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo
naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob!
Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka
lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

PAG-AARAL


"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo
naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent
ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher
sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa
isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka.
Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang
tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay
nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang
kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing
umiwas sa eskwela."

BUHAY (IN GENERAL)

"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification,
true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat
araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may
kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag
kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil
alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong
tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at
maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa
kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng
balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa
natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo.

Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon.
Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga
scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi,
magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."

HALO-HALO

"Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo
at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o
magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng
panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka."

"ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

"hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"

"hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng
kaya mong intindihin ay katotohanan. "

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo ang sarili mo. Tama
sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi
sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang
buhay ko."

"Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko."

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

"iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala."

"iba ang informal gramar sa mali!!!"

"Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay."
Back to top Go down
View user profile
johnbaylon

avatar

Number of posts : 27
Registration date : 2009-03-16

PostSubject: Re: mga obserbasyon isip ni Bob Ong   Sun Mar 29, 2009 8:05 pm

NICE ONE ATE MAY...

HAVE A NICE DAY!


JOHN P BAYLON
SFPS BATCH '89
Back to top Go down
View user profile
excelsa_buan

avatar

Number of posts : 30
Age : 47
Location : Talisay, Camarines Norte
Registration date : 2009-02-19

PostSubject: Re: mga obserbasyon isip ni Bob Ong   Sun Mar 29, 2009 9:23 pm

hello, juangik..

mustah na ang buhay-buhay...? Buruhay pa man garo.. lol!

Dindin
Back to top Go down
View user profile http://excelsa.webs.com
johnbaylon

avatar

Number of posts : 27
Registration date : 2009-03-16

PostSubject: ate din din..   Sun Mar 29, 2009 9:37 pm

hello ate din, musta na ka..hehehe maray rahay man ang buhay buhay, nakakaraos man sa pag kakan..dati 3 beses ngunyan may snak mana kaibahan hihihihihih..
musta na sila jamay at kyle, at yung iyong bunso, ano pangaran?..si kanoy musta na?
at syempre ang mommy ampi na wlang kakupas kupas sa kagandahan..inda kung siisay ang nakakuha ng mana ng kagandahan hehehehe garu ang nagsosolong aki na babae hihihihihih..

regards to all po ate din..

john baylon
batch "89
Back to top Go down
View user profile
Sponsored content




PostSubject: Re: mga obserbasyon isip ni Bob Ong   

Back to top Go down
 
mga obserbasyon isip ni Bob Ong
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
WELCOME TO SFPS ALUMNI FORUM :: SFPS ALUMNI FORUM PORTAL :: JOKES AND OTHER HUMOR-
Jump to: